Akademikong Sulatin

received_329608731184664.jpeg

logo LHS

MALIKHAING SULATIN

Isang Blog

na Iniharap para kay

Gng. Ruth Ocampo-Gabiane

Guro sa Pagsulat saPiling Lrangan (Akademik)

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga

Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka

sa Asignaturang Pagsulat sa Pilimg Larangan

nina

Shaira Marie U. Suello 

at 

Ma. Caryl R. Pastorfide 

ABM 12- Ricardo

 

 

Prologo

Ang E-portfolio na ito ay naglalayong ihayag ang labing dalawang Akademikong Sulatin, kung saan magbibigay ng impormasyon at halimbawa sa bawat isa nito. Ito ay maaaring makatulong sa mga mangangailangan ng impormasyon patungkol sa iba’t-ibang sulatin na aming ihahayag at makapagbigay halimabawa upang may pagbasehan kung paano at ano ang dapat gawin sa isang akademikong sulatin.

Ang dalawang nagmamay ari ng blog na ito ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sakanila, lalong lalo na kay Gng. Ruth O. Gabiane kung saan siya ang gumabay at tumulong upang makagawa sila ng isang Akademikong Sulatin. Nagpapasalamat din sila sa kanilang kamag-aral bilang ikalawang gumabay sakanila upang magawa ang E-portfolio na ito. Nagpapasalamat din sila sa kanilang magulang dahil sa pag suporta sa kanilang paggawa nito, at higit sa lahat sa Diyos na gumagabay sa sakanila.

 

TALAAN NG NILALAMAN 

Intoduksyon

Abstrak

Sintesis

Panukalang Proyekto

Talumpati

Pictorial essay

Photo Essay

Agenda

Katitikan

Replektibong Sanaysay

Lakbay Sanaysay

Posisyong Papel

Bionote

 

 

Introduksyon

Akademikong Sulatin

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa personal na buhay o di kaya pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao.

 

Abstrak

Ang abstrak ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at konklusyon ng pananaliksik. Kalimitang hindi ito lalagpas sa 300 salit ng abstrak ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at konklusyon ng pananaliksik. Kalimitang hindi ito lalagpas sa 300 salit.

Halimbawa ng Abstrak:

(Sharia Marie U. Suello)
Pamagat: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag aaral Ng PNTC Sa Unang Antas
Paaralan: PNTC
Mananaliksik: Magtibay, C. D.
Tagapayo: G. Armenio L. Gallardo
Petsa: Marso 2015

Layunin ng pag aaral na ito na matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga studyante sa ating sariling wika. Ang suliranin ng pananaliksik ay:

1. Ano ang epekto ng social media Sa wikang Filipino sa mag aaral ng PNTC.
2. Ano-anong wika ang kasalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa social media.
3. Bakit iniiba ng mga mag aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa social media.
4. Paano maiiwasan ang mga masamang epekto ng social media sa wikang filipino.
Ang mga Mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan kung saan gumamit sika ng pagsisiyasat o penominolohiya upang malaman nila ang mga dahilan ng epekto ng social media. Ayon sa nagingresulta ng kanilang pananaliksik natuklasan nila, ang paglalaro ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng social media pumapangalawa ang pangkominikasyon at ikatlo ang para sa paggawa ng Mananaliksik, pumapatak ng isa hanggang tatlong oras ang kanilang ginugugol na oras para sa social media, wikang Filipino ang kadalasang ginagamit ng mga studyante sa social media at may iba din namang gamit ay taglish na ang ibig sabihin ako Tagalog at ingles, lahat din ng magaaral at nagpapalit ng babay ng mga salita sa paggamit ng wika at panghuli ay At mahigit limampong porsyento ng mga mag-aaral ang kakasulat pa rin ng tamang baybayin sa paaralan.

(Ma. Caryl R. Pastorfide)

Pamagat: Pananaliksik ukol sa Epekto ng Paninigarilyo
Paaralan: Flo’s Carmeli Institute of Quezon City
Mananaliksik:(n/a)
Tagapayo: Gng. Jessilyn Ranges
Petsa:(n/a)
Ang layunin nito ay upang maipabatid o pamulatin ang pag-iisip ng mga kabataang nalululong na sa pagsisigarilyo sa mura nilang edad, hindi lamang ito sa mga kabataan makakatulong, kundi pati na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo at makakatulong din ito sa mga taong hindi naninigarilyo upang huwag na nilang subukan ang bisyong ito. Ang suliranin nito ay:
Tukuyin kung ano ang karamihang dahilan Kung bakit naninigarilyo Ang kabataan
Alamin Kung ano Ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang nag-aaral na naninigarilyo
Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo.
Ang instrumentong ginamit dito ay descriptive survey research design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga repondente.Ang resultang lumabas batay sa pananaliksik sa Pangunahing Dahilan ng Paninigarilyo ay, sa PAMILYA- 40% nakapagdudulot ng masamang impluwensya sa kanilang mga kaanank. BARKADA- 53% Naguudyok ng Paninigarilyo at iba pang mga bisyo. PERSONAL NA BUHAY- 7% personal na buhay lamang ang ddahilan. Sa Aspektong Nakakaapekto sa Paninigarilyo ng mga Mag-aaral, sa MAG-AARAL- 39% ang naaapektuhan ng +Paninigarilyo Ang kanilang pag-aaral. KALUSUGAN- 50% ang naaapektuhan ng paninigarilyo sa kanilang kalusugan at sa PAMILYA- 11% ang naaapektuhan sa kanila nang dahil sa paninigarilyo. At sa Paraan Kung paano iwasan Ang Paninigarilyo ng mg kabataan ay, PINAGKAKAABALAHAN- 20% pinagkakaabalahan na ginagawa nila upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo,GAWAING PAMPALAKAS- 13% gawaing pangkalakasan Ang kanilang ginagawa upang makaiwas at DISIPLINA SA SARILI- 67% disiplina sa sarili lamang. Ang kanilang solusyon upang maiwasan ang Paninigarilyo.

 

Sintesis
Ang sistensis o buod ay isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kumpleto at detalyadong paraan. Ang pagbubuod na ito ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari at pagbuo dito bilang isa. Ito ay mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinaka-importanteng parte ay naibabahagi sa pamamagitan ng ibang salita o kataga. Ang mga impormasyon ay matagumpay na naipapasa maski na hindi it kasing-haba pa ng orihinal na teksto. (Bbykim, 05.10.2016)

3 Uri ng Sintesis:
Thesis-driven sintesis
Background sintesis

Pamamaraan:
Pagbubuod
Paghahalimbawa
Pagdadahilan
Strawman teknik
Konsesyon
komparison\kontrast

Halimbawa:

Shaira Marie U. Suello

Federalismo

Uri: thesis-driven sintesis
Layunin: Layunin nitong magbigay kaalaman tungkol sa mabuting dulot ng Federalismo sa bansa.
pamamaraan: Pagbubuod

Ang federalismo ay uri ng pamahalaan na hinahati ang pamamahala sa mga rehiyon ng isang bansa. Dito ang hinahati ang pamamahala sa iisang bansa at nahahati sa iba’t ibang estado o state kung saan may kakayahan at kapangyarihang mamuno ng malaya sa bansa.At ito ngayon ang sinusobukang isulong ng adminitrasyong Duterte. Bago pa man mag anonsyo so pangulong Duterte na kakandidatong magibg pangulo ay sinabi niya na ang nais niyang ihayag na gusto niyang palitan mula unitary tungo sa federal state ang bansa. At maaring maging solusyon sa mga problemang kinakaharan ng bansa. Dahit naging tutok si pangulong Duterte sa kontra droga ay hindi na muling nabanggit pa ang federal.Ngunit nitong agosto ay muling nanawagan si pangulong Duterte na amendahan ang konstitusyon upang matigil ang lumalalang problema sa Mindanao.Ayon sa video na ginawa ng isa sa taga supporta in Duterte ang federalismo ay Hindi lang para malutas ang kinakaharap na suliranin ng taga Mindanao kundi pati ang buong bansa. Mas mapagtutuonan ng pansin ang national government ang pangangalaga at proteksyon sa bansa at local government naman ang bahala sa mga imprastraktura sa kanya-kanyang estado. Noong nakaraang taon ay sinabi ng Pangulong Duterte na gusto niyang maamendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly kung saan magpupulong ang mga taga-gawa ng batas upang mapag-usapan ng husto ang mga pagbabago o charter change. Ngunit, sinabi rin ng pangulo na bukas siya sa ideya na gumawa ng isang constitutional commission na kinasasalihan ng mga former justices.
Maraming pabor at hindi pabor sa kagustuhang ito in Duterte ngunit kung iisiping mabuti, ito na siguro ang panahon upang baguhin ang unitary form at palitan na ito ng federalismo dahil wala namang nagaganap na pagunlad sa bansa.
Pagdadahilan
Mula sa China.com “NANINDIGAN si dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. na mahalaga para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Federal System of Government upang magkaroon ng angkop na kinatawan at tinig ang mga mamamayan sa pamahalaan.

Sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat,” sinabi ni G. Pimentel na nagdiriwang ng kanyang ika-84 na kaarawan ngayon, na ang Local Government Code of the Philippines na nagbigay ng angkop na poder sa mga pamahalaang lokal ay mayroong probisyon na kailangang mapagbalik-aralan sa bawat limang taon upang makatugon sa mga pangangailangan ng bayan.

Wala umanong naganap na anumang pagbabalik-aral.

Sa panig ni Anakpawis Party List Congressman Ariel B. Casilao, posibleng makapasa sa Mababang Kapulungan ang pagkakaroon ng isang constituent assembly sa pagsasama ng Kongreso at Senado sa pagbabago ng ilang probisyon ng Saligang Batas ng bansa. Bagama’t pinag-uusapan na sa mga komite ang Federalism, lumalabas na kakapusin sa oras ang Kongreso sapagkat magtatapos na ang sesyon sa darating na Miyerkoles, ika-13 ng Disyembre para sa Christmas Break. Abala pa rin ang Kongreso sa mga pagsisiyasat ng iba’t ibang usapin.

Idinagdag naman ni dating Quezon City Congressman Dante Ventura Liban na mas pabor siya sa pagpapatupad ng halalan para sa mga magiging delegado sa Constitutional Convention sa halip na dumaan sa constituent assembly sapagkat ito ang ipinangako ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa pangakong Federalismo maraming mga Filipino ang naniwalang makakamtan ang tunay na pagbabago.

Sa panig ni Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo School of Government, dapat lamang pag-usapan ang isyu ng Federalism sapagkat napapahon ito upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa at mamamayan.

Isang aklat na binuo ng mga dalubhasa sa larangan ng politika ang ilulunsad sa darating na Huwebes. Pinamagatang Debate on “Federal Philippines: A Citizen’s Handbook” sa isang pagtitipong katatampukan ng mga propesor at dalubhasa sa larangan ng lipunan.”

 

(Ma. Caryl R. Pastorfide)

Pamagat: Ilang mga Hamon sa Pamilyang Filipino sa Panahon ng Internet
Layunin: Maipabatid ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng internet.
Pamamaraan: Pagbubuuod

-nakasaad na sa panahon mgayon, masasabing laganap na talaga ang paggamit ng internet at mayroong mga hamon na dapat harapin ng mga pamilyang pilipino. Narito ang mga epekto sa madalas na paggamit ng internet; pakikisama sa iba o pakikisalamuha, respeto sa magulang at mg nakatatanda, at iba pa.

Pamamaraan: Paghahalimbawa

-Marami nang naging karanansan ang bawat isa, kung kaya’t mahalagang malaman mg bawat isa kung ano nga ba ang buhay? Halimbawa na lamang sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, oagmamasid sa aklat ng tunay na buhay, at pagbabasa rin ng iba pang aklat, na lahat ng nabanggit ay mayroong panibagong malalaman at matututunan.

 

Panukalang Proyekto

Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.

 

logo LHS

PAMAGAT NG PROYEKTO: Pinamagatang “TULONG KABATAAN PARA SA KLINIKA NG PAARALAN” Ang gawaing ito ay naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng klinika sa paaralan.

KATEGORYA NG PROYEKTO: Angp royektong ito ay may kategoryang outreach program sa ingles at kung tawagin sa flipino ay abotkamay, tulong o donsyon sa klinikangpaaralan

KABUUANG PONDO:Ang kabuang pondo para sa proyektong ito ay 7,138php ito ay para sa mgakakulangan sa klinika ng paraalan upang mapunan nito ang mga kakulangan.

DESKRIEPSYON NG PROYEKTO:Ang proyektong ito ay tinatawag na“TULONG KABATAAN PARA SA KLINIKA NG PAARALAN”. Ang proyektong ito ay magsisimula pagtapos maipahayag sa paaralan Setyembre 3,2018, na magtatapos sa Setyembre 10,2018.

Layuin nitong:

Ito ay naglalayong makalikom ng pondo upang mabigyang  karagdagan ang kagamitan sa pagamutan.
Upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga may magiging karamdaman sa paaralan.
MGA BENEPISYO DULOT NG PROYEKTO:Mga benepisyong makukuha dito ay makakatulong sa mga may karamdaman at matugunanito sa kompletong pamamaraan. Makakatulong din ito sa mga susnod paggagamit ng ating klinika. Hindi lang ito upang makatulong sa ating mga karamdaman makakatulong din na mas mapaganda ang ating klinika bilang kompleto sa kagamitan.

.  GastusinngProyekto: Ito angdetalyadonggastusinupangmatugunanangproyektongito.

Aytem                                            Halaga                               Kabuuan
kama                                              1500×2                                   3000
Gamot                                              500                                        500
Electric fan                                     1000                                      1000
cabinet                                            1000                                       1000
inhaler                                            569×2                                     1138
unan                                                250×2                                      500

                                             Kabuuan :7138
Introduksyon  

A. Rasyonal

“Angkalusugan ay ang ating kayamanan, kaya dapat natin itong pahalagahan” (Gellai Isles 2015)

Isa sa pinakamahalaga na magkaroon ng klinika sa loobng paaralan, dahilang klinika ang mga pangunahing sandalan kapag mayroong karamdaman sa silid-aralan, kaya ito ang pangunahing pangangailangan sa eskwelahan lalo na ngayong tag-ulan na hindi maiiwasang magkasakit ang mga mag-aaral kaya  kailangang mapunan ang mga kulang na kagamitan sa paaralan.Ayon kay Gellai Isles (2015) “Angkalusugan ay angatingkayamanan, kaya dapat natin itong pahalagahan”  Angpagkakaroonngmalusognapangangatawan ay isa sa mga importanteng dapat pagtuunan ng pansin at hindi dapat baliwalain. Sapagkat malaki ang maitutulong  nito sa pangangatawan ng bawat isa, hindilamang sa pangangatawan kundi pati na rin sa sarili,dahil nakapagbibigayito sa pangkalahatang saya at sigla, tulad nalamang ng isang paglalarawan na ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng mga kabataan ay nagpapakitanasila ay aktibo sa klase at laging nakapokus sa kanilangpag-aaral.

B. Deskripsyon ng Gawain

Isa itong outreach program kungsaan mag hihinging tulong sa mag-aaralngLagro High School upangmapunanangpangangailangan sa klinikangpaaralan. Ito ay maguumpisapagkataposipahayagangmangayaring donation, upangmapunanangpangunahingpangangailanganngklinika sapaaralan.Setyembre 3 2018 at magtatapospagkataposngisanglinggopagbibigaydonasyonpararitosaSetyembre 10 2018.

Mga kalahok sa Proyekto

Ang mgamagiging kalahok ng proyektong ito ay ang AbM at HUMMS sa Lagro Elementarya School. Maari ding makilahok ang mga taong may mabubuting puso upang mag donasyon.

 

Talumpati

Ayon kay YNELLEBALOTCOPO (2016) sa wordpress ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Halimbawa:

“Droga”

-Ma. Caryl R. Pastorfide

Sabi nga sa kanta “you can run, but you can’t hide.” Na nais iparating na kahit san kapa magpunta o magtago, mahahanap at mahahanap ka rin. “Masalimout na pangyayari at sa di-inaasahang pangyayaring nagaganap.” Iyan ang kasalukuyang nangyayari at nagaganap sa bansang Pilipinas. Marami na at hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring nahuhuli, napagkakamalan at napapatay.

Magandang hapon sa inyong lahat aking mga tagapakinig. Dumako tayo sa usaping ipinagbabawal na gamot o ang Droga. Pag dating sa droga, masasabing ito talaga ang isa sa mga mainit na usapain sa bansa. Napakaraming nahuhumaling at tumatangkilik sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, bakit nga ba? Dahil sa nakapagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam na nais maramdaman ng taong gagamit nito, di kaya nais ng iba na masubukan ito o mayroong nag-alok sa kanila na gumamit nito. Napakaraming dahilan o paraan upang makagamit ng ipinagbabawal na gamot, nakakalungkot at nakapanghihinayang na isipin na, nang dahil sa droga na ito, ang kanilang buhay o sarili nilang kinabukasan ay nasisira, lumihis o naligaw ng landas at napunta sa madilim na mundo. Pero ika nga ng iba ‘masarap gawin ang bawal’ ‘ kaya nila Iyon nagagawa, ngunit hindi nila alintana ang pagkakaroon ng masamang epekto, dahil sa sobrang paggamit ng droga. Hindi lamang matatanda ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kundi pati na rin ang mga kabataan ay nadadawit na. “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” yan ang katagang sinabi ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal, Ngunit sa panahon ngayon kung kelan laganap na ang paggamit ng droga, mailalarawan pa ba o maihahalintulad pa ba sa mga kabataan ang kanyang sinabi? Kung ang mga kabataan ay natututo o nalululong narin sa paggamit ng droga, siyang dapat pag-asa ng bayan ay natututo na ring maging kriminal. ‘Kapit sa patalim’ ito ang nagagawa ng karamihan gumagamit ng ilegal na gamot lalo na’t kapag wala silang ibang pagpipiliian.

Isa sa mga dahilan ay ang hirap sa buhay upang magkaroon ng pera at kakaibang saya nilang nadarama kaya nila ito nagagawa. At ang pinakamapait na kapalit na nangyayari ay ang buhay ang kapalit. Ang masaklap pang nangyayari, nadadamay ang ibang inosenteng tao nang dahil lang sa pagaakala nila na ang taong Iyon ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya para sa pangkalahatan mas makabubuting huwag subukan ang ipinagbabawal na gamot upang hindi maging mapait ang maaaring sapitin niyo sa inyong buhay.

 

“Social Media”

-Shaira Marie U. Suello

Sa panahon ngayon ano ba ang napapansin niyo? ano nga ba ang kagandahan ng social media sa panahon ngayon? Ultimo pag bili ng makakakain pwede na nating gawin online, hindi mo na kailangang magload upang makausap ang malalayo mong kamaganak, pwede ka ring magnegosyo gamit ito.

Magandang hapon mamamayang Pilipino narito ako ngayon sa inyong harapan upang ibahagi ang aking opinyon patungkol sa social media.

Sa panahon ngayon napakamodernisado na nang ating mundo.
Pero sa paggamit nito ay may masama ding naidudulot sa atin. Katulad na lamang nang pagkadisgraya, naloloko,at marami pang iba. Pero di natin maitatanggi na madami itong magandang naidudulot ngunit kailangan natin itong gamitin ng tama. Lalong-lalo na sa mga kabataan, base sa pananalikik 14-29 years old ang gumagamit ng social media. Ang mga magaaral ngayon kadalasan nilang ginagamit pangkumunikasynon, pagsasaliksik sa kanilang takdang aralin, pag papamahagi ng impormasyon at sa iba pang social media. Pero may ibang mga kabataan na mali ang paggamit nito, lalong lalo na sa walang time management, may ibang mga kabataan na hindi manlang makaisip kumain kakalaro online, may ibang mga kabataan na nauubos na oras kakagugol sa social media, at ito din ay napakaimpluwensya sa lahat ng kabataan. Sa bawat paggamit nito Mayroon Tayong natututunan at maaari ring paglagay sa atin sa kapahamakan.

Sa bawat isang gumagamit ng social media mas makabubuting gamitin ito sa Tama, at alamin kung ang bawat pindot, scroll down/up ay mayroong katuturan. At dapat alam ng lahat ang paglimita sa paggamit nito upang hindi ito makasama sa atin.

Pictorial Essay 

Ang pictorial essay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit
ng may akda ang mga litrato na nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng mga
teksto, sa mga paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu.

Kadalasan din na walang teksto ito at purong litrato lamang
ang ginagamit upang magbigay ng imahe at makapagbigay ng kahulugan sa isang
paksa.

Halimbawa:

“LABAN KABATAAN”

-Shaira Marie U. Suello

 

Magsumikap upang maabot ang mga pangarap. Nag hihirap ka man ngayon tandaan na sa darating na panahon aanihin mo rin ang pinaghirapan mo noon. Hindi man ngayon sa tamang panahon kaya laban kabataan.

#ChildLabor

 

Kakayod, para sa pangarap.

Kakayod, para sa pamilya.

Nasa ibaba ka man ng mundo ngayon asahan mo pagpinagsikapan mo mararating mo ng inaasam mo.

#ChildLabor

 

Bata mang maituturing naipapangakong may maitutulong din, Hindi alintana ang init at hirap, kapalit nama’y pagkaing kay sarap. Tutulog sa abot ng makakaya, pag katapos ng eskwela didiretso na sa pagtitinda, kaya pansariling kasiyahan iisantabi muna.

#ChildLabor

Sibuyas! Sibuyas kayo dyan! Sa araw-araw iyan ang maririnig sa pagbuka ng kanyang bibig. Isasawalang bahala ang pawis at paos kumita lang kahit sesenta pesos. Mahirap man tanggapin na ganyan lang kaliit ang kikitain ngunit walang magagawa dahil yan lang kakayanin.

 

#ChildLabor

 

“Pagsusumikap”

Pastorfide, Ma. Caryl R.

Isang batang nakatayo ng ilang oras sa tapat ng simbahan. Ito’y upang magkaroon ng benta at maubos ang mga ito. Dahil sa kanyang sampaguitang itinitinda, ito’y malaking tulong upang ang batang ito ay makaraos ng pang araw-araw niyang pamumuhay.

#ChildLabor

Sa larawang ito mapapansin o masasabing, ang batang ito ang padre de pamilya sa kanilang tahanan. Dahil kung tutuusin, hindi biro ang kanyang ginagawang trabaho o paghahanap buhay upang mayroon lamang na kitain. Bilang bata ng maagang nagbanat ng buto para sa kanyang pamilya, naglako at kung saan na nakarating na mayroong nakasabit ss kanyang mga balikat upang mayroong maiabot lamang sa kanyang pamilya.

#ChildLabor

Namasukan sa ganitong legal na trabaho. Sa pwestong iyon, nasasaksihan ng iba’t ibang mga mamimili, tindero at tindera ang kanyang pagtitinda. Kung paano niya harapin ang mga bumibili sa kanya ng may katapatan.

#ChildLabor

Ang mga larawang ito ay nagpapahiwatig lamang na hindi nila inalintana ang pag-ulan at pag-init ng panahon. Umaga hanggang gabi ay nasa kani-kanilang pwesto upang makapagtinda at mayroong kitain. Bilang mga bata na maagang nagbanat ng buto para sa kanilang pamilya, ito’y upang makatulong. Ngunit hindi natin batid ang totoong tunay na kwento sa likod ng mga larawang ito, kung ito ba ay pagkukusang nais nilang gawin o napilitan lamang dahil sa mga magulang nilang iresponsable. Ang mga batang ito ang dapat laman ng paaralan at laman ng kalsada kung saan ay naglalaro ng may kalayaan.

#ChildLabor

Photo Essay

Koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad na pakasunod-sunod na pangyayari at nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at nagpapahayag ng damdamin.

Image may contain: tree, sky, outdoor, nature and text

“Ang larawang ito ay nagpapahiwatig na mayroong bukas pang paparating para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay.”

 

Image may contain: sky, tree, outdoor, text, nature and water
“Luntian ang simbolo ng kalikasan na nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan na dapat nating pagyamanin at pangalagaan upang mapanatili ang kanyang kagandahan.”

Agenda

Ang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan. Ang salitang agenda ay maari ring tumukoy sa plano o tunay na pakay ng isang tao. Halimbawa, hindi maganda ang kanyang agenda kaya sya pumarito.

AGENDA PARA SA PAGPUPULONG NG YOUTH FOR CHRIST SA QUEZON CITY LAYUNIN: Ang layunin ng pagpupulong ay para mapag-usapan ang darating na Youth Camp at kung papaano kikita ng perang gagamitin dito kung saan ang lugar na pagdarausan.

AGENDA

I. Pagsasagawa ng Concert, Cake raffle at pagsusulit sa bawat pamilya sa simbahan. Napagkasunduan ng bawat isa na magsagawa ng Concert, Cake raffle at pagsusulisit sa bawat pamilya sa simbahan upang makalikom ng maraming pera.

II. Pagpili ng Lugar na pagdarausan ng Gawain Napagbotohan ng mga opisyales na sa Quezon Province gaganapin ang Youth Camp

III. Pagtatakda ng oras at araw kung kalian gagawin ang pagpupulong para sa gaganaping Youth Camp Napagdesisyunan ng mga opisyales ang nakatakdang oras at araw kung kalian gaganapin ang pagpupulong ay sa ika-22 ng Setyembre, 7:30 ng gabi.

KALAHOK

Lahat ng opisyales ng samahan.

Katitikan

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

             First Maligaya Methodist Church YOUTH FOR CHRIST ASSOCIATION                   KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG YOUTH FOR CHRIST ASSOCIATION NG SIMBAHAN FIRST MALIGAYA METHODIST CHURCH NA GANAP SA LAGRO ELEMENTARY SCHOOL, NOONG IKA-22 NG SETYEMBRE 2018

Dumalo:

Elaica Quebec                           Jiselle Maramba

Rhona Lozada                           Nicholas Melitante

Yvonne Merced                         Andrea Nacino

Joanna Narvarte                        Shaira Suello

Kenneth Pangalilinan               Caryl Pastorfide

Ezra Porgosa

• Ang pagpupulong ay itinayo ni Elaica Quebec, ang pangulo ng organisasyon sa ganap na 7:30 ng gabi. Inumpisahan ito sa pambungad na pananalita ng pangulo.

• Hiningi rin ng pangulo ang mga mungkahi ng bawat isa kung sa paanong paraan kikita ng pera para sa nasabing gawain.

• Nagbigay ang ilan ng mga posibleng gawain upang kumita ng pera tulad ng pagsasagawa ng Concert, pa-cake raffle at pagsu-sulisit sa bawat miyembro ng simbahan. • Napagpasyahan ng bawat isa na gawin ang lahat ng nabanggit.

• Ang sumusunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng nasabing gawain , ibinahagi ng bawat isa ang mga impormasyon na nakuha nila sa pago-okyular sa bawat lugar, nagkaroon ng botohan sa pagitan ng Prayer House, Bulacan at Quezon Province, nagkasundo ang bawat isa at pinili an Quezon Province, upang makamura dahil bahay bakasyonan naman ito ng pastor.

• Ang gawain ay magaganap sa ika 26 hanggang 30 ng Disyembre.

• Natapos ang pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni Quebec sa ganap na 8:00 ng gabi.

Inihanda niEZRA T. PORGOSA                                             Nagpatotoo: ELAICA M. QUEBEC

Kalihim                                                                                                    Pangulo

Youth for Christ Association                                                  Youth for Christ Association

 

Replektibong Sanaysay

– Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa

– Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. – Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.

– Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik

– Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian.

“Kahirapan”

-Caryl Pastorfide

Ang sulating ito ay patungkol sa mga taong nakararanas ng kahirapan. Sa panahon ngayon, ikaw, ako, tayo ay iisa, na sa isang makasaysayang kwento ng ating bansa ay mamulat tayo sa makatotohananng pangyayaring nagaganap. Iba’t ibang dahilan o sanhi kung bakit nakararanas ng paghihirap. Sa bansang Pilipinas na maraming nakararanas nito, kahit sa malalayo at liblib na lugar. Sa kahit sino na makaranas nito ay hindi madali, dahil hindi lahat panta-pantay ang estado sa buhay o pamumuhay. Dahil ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang kahirapan ay hindi biro, na kailangang magsakripisyo upang may maipantustos lamang sa pang araw araw. Ang mga taong nabubuhay sa pamamaagitan ng pangangalakal at pamumulot ng mga basura at pagbebenta ng mga ito para sa pagreresiklor. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan. Nagkakasakit, walang makain at iba pa nang dahil sa kahirapan. Nagkakaroon pa minsan ng pagkakapos sa mga pangunahing pangangailangan dahil sa marami ang nangangailangan. Ang kahirapan ay normal na sa ating bansa, dahil marami na ang nakararanas nito. Ngunit hindi sapat na makampante na normal lamang ito, sapagkat ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa, ito’y hindi makabubuti sa kanika at sa ating bansa. Kaya’t nararapat lamang na tulungan natin ang ating kapwa na nangangailangan ng tulong kahit sa maliit na bagay.

“Ama”

-Shaira Marie U. Suello

Ariel, ang pangalan ng aking ama na nagtataguyod sa aming dalawa ng aking nakakatandang kapatid, para saakin siya ang aking super hero, super hero dahil hindi lang siya ang gumagawa ng paraan upang makakain kami araw-araw dahil siya rin ang tumayong INA saamin. Siya’y isang amang wala kang maiipintas, siguro yun lang ay ang kaniyang kabaitan na pagminsan ay sinasamantala ng iba. Para saakin siya’y isang perpektong amang, dahil siya ang napakasipag kong ama na gagawin ang lahat mabigay lang ang gusto naming magkapatid, na kahit minsan kami’y nagiging pasaway ay hindi siya nag sasawang itaguyod kami. Tinalikuran ang kaniyang sariling kaligayahan dahil saamin. Napaka swerte namin dahil siya ang naging ama namin, hindi katulad ng iba na ang kanilang anak ay hinahayaan lamang sa lansangan na parang walang pakialam. Napakaswerte namin dahil kahit wala kaming nanay ay nariyan siya upang tumayong ina saamin.
Siya ang isang amang huwaran na dapat tularan ng isang amang katulad niya. Hindi man ako yung anak na mabait, pero ipinapangako kong ibabalik ko sakanya ang lahat ng ginawa niya saamin. Hindi ko man sakanya nasasabi na mahal ko siya ay sinisiguro ko namang kaya kong iparamdam sakanya. 
Lakbay sanaysay 
Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.
Halimbawa:
“Trip to Marinduque”
– Ma. Caryl R. Pastorfide
Image result for marinduque
Image result for moriones statue marinduque
Sa paglalakbay na ito, narito o ipapakita ko sa inyo kung anong mayroom sa probinsyang Marinduque. Sa byaheng iyon kinakailangang tumawid pa ng dagat sakay ng barko bago makapunta rito, nasa 6 hanggang 8 oras ang byahe. Syempre pagkababa ng barko, nalalanghap kona ang sariwang hangin at malamig na hangin na dumadampi sa aking mga balat. Ang sarap at ang saya sa pakiramdam na makabalik sa lugar na nais mabalik-balikan dahil sa mga ala-alang naiwan roon. Mga bahay na hiwa-hiwalay, na hanggang ngayon ay mayroon pa ring gawa sa mga kahoy ang bahay. Kakaibang disenyo ng trisikel, jeep at marami pang iba. Masayang magpunta sa ibang lugar lalo na kapag kasama ang mga mahal sa buhay. Kasama ko ang aking pamilya na magpunta sa probinsyang Marinduque. Isa sa mga pinuntahan namin sa Marinduque ay ang white beach, na kung saan pinong pino ang buhanging puti at ang dagat na kay ganda na maraming aktibidad ang maaaring gawin. Isa pa rin sa mga napuntahan ay ang kawa-kawa beach, maganda rin itong pagliguan at gumawa ng mga aktibidad. Hindi man ganoon karami ang aming napuntahan, pero sinisigurado ko sa inyo na mayroon at marami pang iba na magagandang pasyalan at bisitahin sa probinsyang Marinduque, tulad na lamang na mayroon din ditong sand bar, hindi bat nakakatuwang isipin na hindi na kailangan pang pumunta sa malayo layong lugar, upang makakita at makapagligo (swimming) sa ganoong klase ng dagat? Dahil dito lang sa ating bansa ay mayroon ding ganong klase ng dagat na kay ganda din magpamasdan habang ang tubig ay humahampas sa mga buhangin. Marami pa talagang magagandang pasyalin na kailangang matuklasan sa probinsyang Marinduque. Sa pagkain naman hindi rin sila magpapahuli, tulad na lamang ng ibang karaniwang ulam na adobo, pero akala mo lang na simpleng adobo ito, pero kung titikman ito, mayroon itong kakaibang dagdag sa panlasa kapag natikma ito. Mga cookies na talaga namang masarap hanap-hanapin kaoah ito’y natikman na. Mga subenir na magaganda at nakakatuwang bilhin at marami pang iba.
“to Tokyo Japan”
-Shaira Marie Suello
         Image result for tokyo japan attraction anime
     Ang Japan ang isa sa kilalang bansa dahil dito naggagaling ang mga paborito nating anime o manganese. Kilala din sila bilang isa sa “one of the expensive country” para manirahan. Isa sa mga rason kung bakit ko gusto pumunta dito ay dahil sa dami ng attraction nila, at gusto ko rin makita ang mga anime na atraksyon doon, gusto Kong maranasan ang sumakay sa kanilang tren kung saan naroon nakadisenyo ang iba’t-ibang anime, Isa din ay gusto kong maranasan o malaman ang kanilang tradisyon, gusto ko din makita kung gaano kalinis ang Japan.
Image result for tokyo japan
Sana ay pagdating ng panahon maranasan ko lahat ng aking gustong maranasan at makita dito. Dito sa tingin ko ang isa sa magandang pasyalan lalong lalo na sa mahilig sa anime na katulad ko. Pagdating ng panahon pag ako’y nakatapos ay isasama ko ang aking mga mahal sa buhay dito.
Posisyong Papel
Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo. Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
“Federalismo”
-Shaira Marie U. Suello
Ang federalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang bawat estado (state) ay may sariling pamahalaan na may kalayaan mula sa central o ‘yung federal na pamahalaan. Bawat estado ay may kakayanang gumawa ng batas na papairalin sa kanilang mga nasasakupan. Dito pumapasok ‘yung mga bagay na maaaring ligal sa isang estado, ngunit iligal sa iba. Pinaka halimbawa nito ay ang US.
ang fe­deralismo ay isang uri ng pamahalaan na ginagamit ng US, Australia, India at ilang mga bansa sa Europe. May pagkakaiba ang federalismong ginagamit nila kung saan binabago nila ang sistema para tumugma sa mga pangangailangan nila.
Ang federalismo sa Pilipinas ay matagal nang isinulong ni dating Senador Nene Pimentel, kung saan nakasaad ito sa isang dokumentong sinulat ni Jose Abueva. Ang federalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang bawat estado (state) ay may sariling pamahalaan na may kalayaan mula sa central o ‘yung federal na pamahalaan. Bawat estado ay may kakayanang gumawa ng batas na papairalin sa kanilang mga nasasakupan. Dito pumapasok ‘yung mga bagay na maaaring ligal sa isang estado, ngunit iligal sa iba. Pinaka halimbawa nito ay ang US.
Inilahad ni Abueva ang mga bentaha ng fe­deralismo, at kabilang dito ang sumusunod: Una, makapagtatatag umano ito ng makatarungan at pangmatagalang ba­langkas para sa kapa­ya­paan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat etniko, relihiyon, at kultura, lalo sa panig ng mga Bangsamoro at lumad.
Sinabi Ni pangulong duterte na ang federalismo mo ang solusyon sa problema ng pilipinas.
Sangayon ako dito dahil katulad nga ng federalismo ang bansa ay maunlad ang kanila.

Kung gagawin rin natin ito sa ating bansa ay maaaring umunlad din tayo. 

Hindi lang sa sa pag unlad ng ekonomiya kundi baka kung maipatupad ito ay mas maging disiplinado ang mga tao. Hindi natin kailangang matakot sa mga maaaring nangyari sa halip ay pumili tayo ng alam nating may maidudulot na maganda saatin. Kailangan lang ay alam natin ang mamumuno saatin ay isang taong alam nating may gagawing mabuti at makakatulong saatin. Dahil tayo pa rin naman ang nagdedesisyon kung ano ang mangyayari saatin kung pipiliin nating umunlad ang ating bansa.
“Edukasyong K-12”
-Ma. Caryl R. Pastirfide
Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa programang edukasyong k-12. Ito ay dinagdagan ng 2 taon pa, na kung tawagin ay senior high school. Ayon sa Deped, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpatupad pa ng 10 taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa mga bansang maunlad sa buong mundo. Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan ar mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ang programang k-12 ay nahahati sa 4 na kategorya, ito ay ang kindergarten, elementarya, junior high school at senior high school. Dahil ang senior high school na ito ay pagsasanay sa kanilang pagkokolehiyo. Nung bagong pagpapatupad pa lamang ng k-12 na ito, maraming mga magulang at studyante ang tumututol dito, ngunit may iilan parin sumang-ayon sa pagpapatupad nito. Sa mga tumututol o tumatanggi sa pagbabagong ito, ang kanilang dahilan ay dagdag gastos, at tatagal ang ilalagi ng mga studyante sa paaralan. At para naman sa mga sumasang-ayon dito, ang kanilang dahilan o pananaw kaya sila pumayag ay, maaari nang magtrabaho pagkatapos ng senior high school. At para sa panig ng manunulat tungkol sa programang ito siya ay sumasang-ayon, dahil kahit sabihing dagdag gastos ang magagamit, malaking tulong pa rin ang magagawa nito sa mga studyante. Tulad na lamang na mas mapapalawak ang kaisipan o kaalaman sa mga bagay-bagay na kailangan pang matutunan. Sila ay mas magiging handa para sa darating o pagsabak nila sa kolehiyo, ito’y upang malaman nila kung anong kurso ang nais talaga nilang kunin pagdating ng kolehiyo. At maaari na ring magtrabaho pagnagtapos na sa kanilang pagkasenior high school ang mga studyante, kung sakali mang hindi makakatuloy sa pagkokolehiyo.
Epilogo
Sa pagtatapos ng e-portfolio na ito, naglalayon na sa pamamagitan ng mga sulating nakapaloob dito nawa’y mayroong natutunan ang bawat isa at mayroong ganap na nagawa ito upang mapabuti ang pagsasaayos o pagsasagawa nitong e-portfolio.
Rubriks
rubriks
Bionote
Ang bionote ay isang maikling 2 o 3 pangungusap na inilalarawan ang may akda. Ito ay nakasulat sa ikatlong panauhan (word-mart, 2006)

 

 

 

Si Shaira Marie U. Suello ay isang magaaral ng Lagro High School sa kursong Accountancy and Business Management. Si Suello ay labing pitong taong gulang na pinanganak noong hulyo dalawang po’t isa, dalawang libo’t isa sa Sablayan Occidental Mindoro.
Si Bnb. Suello ay nagkaroon ng ibat-ibang karangalan noong siya nasa elementarya sumali rin siya sa Drum and Lyre at sa pageant sa kailang paaralan. At sumali sa math camp noong siya nasa ika-labing isang baiting. Hindi man siya madaming karangalang natanggap ay nagpapasalamat pa rin siya na nakaraos siya at napasa ang lahat ng asignatura.
Si Suello ay pwedeng makontak sa kanyang facebook account na Shaira Uy Suello, sa gmail na airamariesuello@gmail.com at sa instagram na aira.

 

 

 

Ma. Caryl R. Pastorfide ay labing pitong taong gulang, na nagtapos ng Elementarya sa paaralang Fairview Elementary School, nagtapos ng Junior High School sa paaralang Lagro High School at kasalukuyang nag-aaral ng Senior High School sa paaralang Lagro High School. At ngayon siya ay nasa ika-labing dalawang baiting at kasalukuyan ang kinuhang kurso ay Accountancy Business and Management (ABM).
Isa sa mga tagumpay na nagawa niya sa kanyang buhay ay nakapagtapos siya ng Elementarya at magtatapos ng kanyang pag-aaral sa Senior High School. Nakatanggap rin ito ng iba’t ibang sertipiko, laso at medalyon, na napabilang sa mga mayroong karangalan sa baiting niyang ika-anim, tropeo dahil isa sila sa mga nagwagi sa patimpalak na festival dance sa baiting niyang ika-siyam.
Sa kanyang paglalakbay at patuloy na paglalakbayn ay lagi lamang na maging matiyaga at masipag.

 

 

 

SANGGUNIAN:

https://ynellebalotcopo.wordpress.com/2016/11/26/kahulugan-ng-talumpati-day-1/http://sunshinegepilano.blogspot.com/2011/09/talumpati-kaibigan.html

http://isles27.blogspot.com/2015/08/ang-kahalagahan-ng-kalusugan.html?m=1https://www.slideshare.net/mobile/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089http://www.academia.edu/21298347/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAThttps://www.slideshare.net/mobile/CookiesAlajar/bionote-80249815https://brainly.ph/question/605377#readmorehttps://ejournals.ph/article.php?id=7765https://ejournals.ph/article.php?id=7984

https://brainly.ph/question/601513

https://quizlet.com/222251341/kabanata-xii-pagsulat-ng-panukalang-proyekto-flash-cards/ https://www.slideshare.net/SamFordKill/photo-essay-69494372

https://philippineone.com/sigaw-ni-pangulong-duterte-federalismo-ang-solusyon-sa-problema-ng-pilipinas/

https://tonite.abante.com.ph/ano-ba-ang-federalismo.htm

 

 

 

Leave a comment